Family

Maraming salamat po sa lahat – lahat. Sa pagtulong at pagsuporta sa amin. Lagi rin po kayong nandyan para gumabay sa amin at kung paano n’yo po ipakita ang mga bagay na dapat naming iwasan.

Maraming salamat po kasi binubuksan n’yo po ang isipan namin sa mga bagay- bagay para maging handa kami sa kung anong mangyari. Iniiwas nyo po kami sa mga bagay para ‘di po kami maging repleksyon ng mga maling nagawa ng mga pinsan namin. Kahit nakakainis na po minsan yung mga sermon nyo sa amin, alam kong ginagawa nyo lang po iyon para sa ikabubuti namin.

Especially kay Mama, na laging nandyan para sa amin. Siya ang pinaka- cool na mama para sa akin. Dahil lagi siyang nagku- kwento ng mga nangyari sa buhay nya at hindi nya kami pinaghihigpitan. Syempre kahit maluwag sa amin si Mama, hindi parin namin inaabuso iyon. Share )o lang din po, pinagbo- boyfriend kami ni Mama at pwede naming gawin lahat ng gusto namin pero ‘di parin namin ginagawa (ako lang po yung may boyfriend). Mahal na mahal ko po si Mama kahit ‘di ko masabi sa kan’ya. Yan lang po lahat.

Bago matapos ang aking sulat, nais ko po uling pasalamatan ang aking pamilya. Maraming maraming salamat po at mahal na mahal ko po kayo.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started